Wednesday, October 11, 2006

Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin

[Chorus:]
ako'y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako'y manhid
sana at iyong nariring
sayong yakap ako'y nasasabik...

Ayoko sa iba
Sayo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang iyong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang aso't pusa
Giliw sa piling mo ako ay masaya

[Chorus:]
ako'y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako'y manhid
sana at iyong nariring
sayong yakap ako'y nasasabik...

[Coda:]
Pilit mang abutin ang mga tala
Basta't sa akin wag kang mawawala

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako'y nasasabik
Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating na ikaw lamang
Ang siyang aking iibigin

4 Comments:

Blogger Musikahan said...

nakibasa lang... napakasenti naman pero naiintindihan kita how you feel..lahat naman dumaan sa kung saan ka ngayon.

October 16, 2006 5:14 AM  
Anonymous Anonymous said...

parang napakabigat naman ng mga words and sentences. pero i also understand you. we all go through these experiences. hope you'll be fine dhen.

ciao! =)

October 18, 2006 9:05 PM  
Blogger Admin said...

Mare!!! Online na ko pero wala pa YM available...add mo na lang ito sa YM mo.. farawayme78@yahoo.com

October 30, 2006 12:05 AM  
Blogger Lily Grace said...

T_T ... oo.. nagustuhan ko rin tong kanta nung una ko syang narinig

February 14, 2007 2:56 PM  

Post a Comment

<< Home