WELCOME BACK!!!
Hi guys, welcome to my new blog! Sadly, i lost the password of my original blog so i ended up starting over again. This is dedicated to a very good and special friend of mine.
Well, what more can i say?
Kwento muna ako.
April 27, 2006. Cigarette break. Hay naku, sa dinami dami ng taong makikita at makakasabay ko eh bakit ikaw pa? Hahaha. Tapos napu-pupu daw siya everytime na nakikita ako. Pero hindi naman umalis sa tabi ko. If i know, hahahah! Sinabihan pa ako na mataba. Kaya magdiet ako talaga. Pag pumayat ako, yari ka! Hindi kita papansinin kahit kelan. Itaga mo yan sa bato ha!
1 week na nga palang lucky me pancit canton ang lunch ko, home alone kasi ako eh. Hirap naman magluto kasi ako lang kakain. Pero marunong ako magluto. Ayun, sumakit na naman tuloy ang tyan ko, magpapadala na nga sana ako sa hospital kaya lang takot naman ako. Hahaha! Matigas kasi ang ulo ko eh. Bawal ang maalat pero yun pa din ang kinakain. Mahilig pang magpatis. Sarap kasi eh. Mamatay ka na sa sarap wag lang sa gutom diba? Silly me talaga!
Mahirap maging home alone. You have to do everything na ikaw lang talaga. Wash the clothes, iron, cook food, etc, etc... Pero ok lang naman sa akin. At least, im learning to be independent para sa totoong laban ng buhay. A la PBB ah.
This day was bad, same as yesterday and the other day. Why? Personal reason. Pero salamat na lang kasi there is someone who makes me smile. Though hindi naman siya mukhang clown pero maisip ko lang yang taong yan, natatawa na ako. Not because funny siya. I don't even know why. Basta ang alam ko lang eh lagi nya akong pinapatawa and masaya ang buhay kapag andyan siya. Ewan ko lang the other way around. Para sa iyo special someone ko, thanks for making me happy. In your own simple ways. Just the thought of you will definitely light up my day. Continue to be simple and true. Continue being yourself. Continue smiling so the whole world will smile and love you.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home